Tuesday, September 30, 2008

Monologue Part I dont know

Bakit ba ganon? Kahit anong gawin mong paraan para makalimutan ang isang bagay, hinding hindi mo pa rin iyon magawa. Ilang beses ka na nangako, ilang beses ka na sumumpa na hindi mo na ito pag-uukulan ng pansin, pero bakit ganyan ka pa rin?

Ano pa ang hinihintay mo? Huwag mong pilitin ang ayaw, huwag mong pilitin ang mundo na umikot para sa'yo lang.

Kailan ka ba makakalimot? Kailan ka makakapagbago?

Monday, September 15, 2008

Motto of the season

Been a while...

Ang sabe nung pari nung linggo:

"Magtiyaga sa kasalukuyan, para maging masaya sa kinabukasan..."

Sige, sige, 'yan mismo ang gagawin ko Father, kahit mahirap, pero dahil malaki ang pananampalataya ko na may magandang future para sa aken, magtyatyaga muna ako ngayon.

Ano ba naman ang kaunting bitterness kung ang kapalit naman ay 'sangkatutak na happy pills?